Tuesday, September 24, 2013

filipino



Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino V
(Wika-Unang Araw)

Bb. Vanessa M. Inting                                            
(Gurong Nagsasanay)

I.              Mga Layunin: Sa pamamagitan ng mga larawan 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang :
a.    Nakikilala ang mga panghalip na pamatlig;
b.    Nagagamit ng wasto ang mga panghalip sa pang-araw-araw na Gawain; at
c.    Nakapagbibigay ng pangungusap na ginggamitan ng panghalip na pamatlig.

II.            Paksa: Mga Panghalip na Pamatlig
Mga Sanggunian:
1.    Bagong Filipino sa Salita at Gawa (Wika)
2.    Pagdiriwang sa Filipino 3 nina P. V. Villafuerte at L. L. Ona. Pp. 145-149.
3.    Sinagtala 5 (Pinagsanib na Wika at Pagbasa) nina Jennifer F., Carolina M., at Jennifer O. pp.160.
Mga Kagamitan: mga larawan na may kaunting kaibahan, istripa na mga         panghalip, tsart ng dayalogo
 Pagpapahalaga: Ang paggamit ng mga panghalip na pamatlig sa wastong   pamamaraan ay nagbibigay ng malinaw na impormasyon at direksyon.
III.           Mga Pamamaraan
A.   Baybay (Supervised Study)
Panuto: Bilugan ang salitang may tamang baybay.
1.    tunay     tanay     tunoy
2.    oway     away     ayew
3.    awar     arow     araw
4.    ayow    ayaw     ayew
5.    patoloy     patuloy     patuluy
6.    magiliw     magelew     magilew
7.    keysa     kaysah     kaysa
8.     mayruon     mayruun     mayroon
9.    baghaw     bughaw     bughow
10.  punongkahoy     ponongkahuy     punungkahoy
B.   Bagong Aralin
1.    Panimulang Gawain
1.1  Pangganyak
- Tatlong larawan ang ididikit sa pisara.
- Ipabigay sa mga bata ang kaibahan ng tatlong larawan.
- Sabin g mga bata sa unang larawan “Ito ang aking saranggola.” Ganito rin kaya ang sasabihin ng mga bata sa ikatlong larawan?
- Ano dapat ang sasabihin ng bawat bata sa ikalawa at ikatlong larawan?
                          1.2 Paglalahad ng Bagong Aralin
                                 - Ito ang mga sinabi ng bawat bata sa larawan.
a.    Ito ang aking saranggola.
b.    Iyan ang aking sarranggola.
c.    Iyon ang aking sarranggola.
-       Ano ang kaibahan ng tatlong pangungusap? Salungguhitan ito.
-       Ang mga salitang sinalungguhitan- ito, iyon, iyan ay mga salitang panghalip na pamatlig.
-       Base sa mga larawan, ano ang itinuturo ng mga salitang ito, iyan at iyon?
-       Maliban sa mga bagay, ano pa ang mga salitang itinuturo?
-       Tama,mga pook. Tingnan ninyo naman ang mga larawang ito.
-       Magbigay ng isang pangungusap na maaaring sabihin ng bata sa bawat larawan.
-       Anu-ano ang mga panghalip na ginamit?
-       Ano ang tinuturo ng mga panghalip na ditto, diyan at doon?
-       Tingnan muli ang larawan. Isiping may taong naghahanap sa nanay ni Ana ngunit nagkataong umalis ito. Ano ang sasabihin ni Ana sa tao?
-       Bakit naging rito ang ditto, riyan ang diyan at roon ang doon?
2.    Panlinang na Gawain
2.1 Pagtatalakay ng aralin
     - Sa inyong nalaman, kailan ginagamit ang ito, iyon, iyan?
     -  Magbigay ng halimbawa.
     - Kailan naman ginagamit ang mga panghalip na ditto, diyan at doon?
     - Kailan naman ginagamit ang rito, riyan at roon?
     - Ano ang tawag natin sa salitang ito?
2.2 Mga Pagsasanay
     - Bigyan muna ang mga bata ng pasalitang pagsasanay bago ibigay ang pasulat na pagsasanay.
     - Pagsasanay
       Panuto: Buuin ang usapan na makikita sa inyong libro sa wika sa pahina 147. Isulat ang buong usapan sa papel.
IV.          Takdang Aralin
Gumuhit ng isang larawan na may dalawa o higit pang taong nag-uusap. Gawan sila ng dayalogo na ginagamitan ng mga panghalip na panturo. Ilagay ito sa isang short bond paper.